Kakayahan ng mga bagong vote counting machines na gagamitin sa eleksyon, ipinakita ng COMELEC

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 2880

vote-counting-machines
Tatlo sa apat na kinukwestyong security features ng vote counting machines ang gagamitin ng Commission on Elections sa halalan sa Mayo.

Iginiit ng COMELEC na may uv mark ang gagamiting mga balota upang masigurong lehitimo ang ipapasok na balota sa makina.

Tatlong digital signatures na rin para sa tatlong Board of Election Inspector o BEI’s ang gagamitin upang masigurong tamang election return ang nakarating sa canvassing center.

Subalit pinag-aaralan pa ng COMELEC kung gagamitin ang Voter Verifiable Paper Audit Trail o VVPAT System.

Ito yung pag imprenta ng resibo ng mga makina upang makita ng botante kung binasa ng tama ang kaniyang boto.

Kaya rin ng mga bagong makina namagsagawang onscreen verification o ipakita sa screen ng vote counting machine kung sinu sino ang binoto ng botante.

Subalit nangagamba ang poll body na magamit ang naturang sistema upang maantala ang halalan.

“If there is a conspiracy of a losing candidate to question the credibility of the election by organizing a group who will just complain about the receipts saying that it is not accurate again has a great potential of disrupting the general elections.” Pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista

Ngunit paliwanag ng COMELEC sakaling magkaroon ng verification system at makita ng botante na kulang ang kaniyang ibinoto sa isang posisyon maari niyang pindutin ang x mark sa makina upang lumabas uli ang balota para mamarkahan ang kulang.

Subalit iginiit ng COMELEC na hindi na maaring baguhin ang mga naunang ibinoto.

Nakatakdang desisyunan ng COMELEC kung gagamitin ang voter verifiable system sa Pebrero.

Binigyan diin din ng COMELEC na bawal ang mag selfie o kunan ng litrato ang balota.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,