153 impounded na mga sasakyan, ipasusubasta na ng MMDA sa August 29

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 3456

Halos mapupuno na ng mga sasakyan ang dalawang impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority sa Ultra sa Pasig at Tumana sa Marikina City.

Ito ang mga sasakyang nahuli ng MMDA sa kanilang mga anti-illegal parking at anti-colorum operations sa Metro Manila.

Dahil dito, sisimulan na ng MMDA ang pagsusubasta ng isang daan at limamput-tatlong impounded na mga sasakyan simula sa August 29.

Sa ngayon ay ini-inventory na ang mga naturang sasakyan, na halos sampung taon na anilang naka-impound at hindi na kinukuha ng may-ari.

Ayon sa MMDA, may pagkakataon pa rin ang mga may-ari na makuha ang kanilang mga sasakyan bago ang mismong araw ng car auction.

Ang lahat ng mga interesadong bidder,  kinakailangang magsumite ng letter of intent sa MMDA, at maghanda ng isang libong pisong processing fee.

Para sa kumpletong listahan at impormasyon ng mga sasakyang na kasama sa mga  ipasusubasta, maaring bisitahin ang facebook page ng MMDA.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,