TESDA mobile bus, inaasahang magagamit na sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1039

VILLANUEVA
Mabibigyan na ng pagkakataon ng na makapag-aral ng vocational cources ang mga out of school youth sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay former TESDA Secretary Joel Villanueva, ito ay sa pamamagitan ng walongpung mobile training center na inaasahang magagamit na sa buwan ng Pebrero upang makapagturo ng vocational courses sa mga walang kakayahang makapunta sa mga unibersidad.

Ito ay joint project ng TESDA at PAGCOR.

Kabilang sa maaring pag aralan sa mga mobile bus ay ang welding, automotive, electronics at iba pang kurso na available sa TESDA.

Sisimulan muna ito sa parteng Luzon, at isusunod ang Visayas at Mindanao.

Malaki naman ang matitipid ng mga estudyante na namamasahe at bumiyahe ng malayo dahil pupuntahan na lamang sila ng TESDA.

Sa buong Region 3 taong 2012, isang mobile bus lang ang meron ang TESDA.

Kaya naman laking tuwa na lang ni Bulacan TESDA Director Gilbert Castro na lalawak pa ang matuto at matutulungan.

Ikinatuwa naman ng DEPED ang mas pinalawak na naabot ng TESDA upang makapg turo sa mga out of school youth.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,