Noong Sabado ay naglabas ng warning ang Korea Meteorological Adminstration ng cold warning.
Ito ay ini-issue lamang tuwing bumababa sa -15 degrees celcius ang temperatura ng dalawang magkasunod na araw.
Kahapon, ika-24 ng Enero, ay umabot sa -18 degrees celcius ang temperatura dito sa South Korea, pinakamalamig na temperaturang naitala sa bansa mula noong january 2001.
Dahil dito maraming naitalang frozen-pipes at kaso ng hypothermia sa mga mamayan dito sa South Korea.
Mula noong January 20-23 ay nagtala ng 764 na kaso ng frozen pipes ang Seoul Metropolitan Government.
Ayon naman sa health ministry, noong linggo ay tumaas ang kaso ng mga pumunta sa ospital dahil sa cold-related illnesses katulad ng hypothermia at frostbite, mas mataas ito kaysa noong January 17-20.
Umabot sa 55 ang naitalang kaso kung saan 40 ang lalaki, at 13 naman ang nasa edad 50 pataas.
Pinayuhan ng health ministry ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga bata at mga may edad na 65 pataas at ang may mga chronic conditions na manatili kung maari sa kanilang mga bahay, magsuot ng thermal underwear, makakapal na damit, medyas at sinelas kahit nasa loob ng bahay. Kung lalabas naman ay magsuot ng hat, scarf at gloves para mapanatiling mainit ang katawan.
Samantala, mahigit dalawang daang flights ang nakansela at isang daan mahigit ang nadelay noong sabado sa jejudo international airport dahil sa naitalang matinding pagulan ng niyebe (snowfall) at lakas ng hangin.
Ito ang pinakamatindign snowfall na naranasan sa bansa mula 1984 o 31 taon ang nakaraan.
Umabot sa 11 centimeters at 1-meter naman sa mountain areas ang kapal ng yelo.
Samantala, nag-anunsyo ng pagkakansela ng mga flight noong linggo ang Jejudo International Airport hanggang ngayong Lunes.
(Eric Ferrer / UNTV Correspondent)
Tags: Cold wave, eroplano, Jeju airport, South Korea