SBMA, muling nanawagan sa BOC na alisin na sa Subic Bay Freeport ang mga naiwang container van ng basura na nagmula sa Canada

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 3169

JOSHUA_NAKIKIUSAP
Pinababalik ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA sa Manila Port ang labing limang container na naglalaman ng basura na nanggaling sa bansang Canada.

Muling nakiusap si SBMA Chairman at Administrator Roberto Garcia kay BOC Commissioner Alberto Lina na kunin na ang mga container.

Ayon kay Garcia, una itong nakiusap sa BOC noong buwan ng Hulyo taong 2015 upang tanggalin na ang mga container na ito, ngunit sa kabila ng pakiusap nito ay wala pa ring nangyayari.

Ayon kay Garcia, bagamat pang pinsalang naidudulot sa kanilang lugar ang mga lamang basura ng mga container ay hindi pa rin nila pinapahintulot na dito na lamang itambak ang mga basura.

Ang labinlimang container ay kabilang sa 741 freight boxes na nailipat sa SBMA noong buwan ng Agosto, taong 2014 upang makatulong sa Manila Port na mabawasan ang congestion ng mga container dito.

18 container dito ay naibalik sa Manila noong 2014 na kung saan ay labing anim dito ay may masangsang na amoy at ang dalawang container naman ay may leakage na.

Sa mga ito ay isang container lamang ang naibalik sa Manila Port.

Ayon sa BOC, 103 containers ang kabuoang nadala sa manila port na nanggaling sa bansang Canada noong taong 2013 at 2014 na idineklarang scrap plastic.

Ilan sa mga container ay napunta sa manila port at itinapon ang mga basura sa landfill sa bayan ng Capas Tarlac.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,