Ilang estado sa Amerika isinailalim na sa state of emergency dahil sa pananalasa ng major winter storm

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1792
(photo credit: REUTERS)
(photo credit: REUTERS)

Naghahanda na ang mga residente mula Virginia hanggang sa Boston dahil sa paparating na unang snow storm sa North Eastern Region ng America.

Nakatakdang dumating ang snow storm sa Biyernes, Sabado sa Pilipinas na tatagal hanggang Sabado.

Isinailalim na sa state of emergency ang Washington DC.,Virginia at Maryland at nakataas na rin ang blizzard watch sa iba’t ibang lugar na inaasahang maapektuhan ng snow storm.

Sinasabing may lakas na 40 miles per hour ang pagbugso ng hangin at aabot hanggang dalawang talampakan ang kapal ng snow na taglay ng snow storm na iababagsak sa Washington DC at Virginia sa Biyernes.

Sa Philadelphia, nakahanda na ang mga salt trucks na gagamiting pangtunaw sa snow sa mga kalsada, habang sa newyork naman ay inihahanda na ang mga snow gear at pagkain ng mga residente.

Pansamantala na ring ipinasara ang mga paaralan maryland at ilang bahagi ng Virginia.

Tags: , , , ,