DENR , ipinagbabawal ang pagpaskil ng posters, streamers at political ads sa mga punong kahoy

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 3827

DENR-FACADE
Pinaalalahanan ng Department of Natural Resources o DENR ang mga pulitiko at mga supporter na bawal ang pagpapaskil ng mga poster, streamers at political ads sa mga punong kahoy.

Ayon sa DENR mayroong lugar na nakalaan para sa mga poster ng mga political candidate.

Nakakasira sa mga puno ang pagpaskil ng mga posters, streamers at political ads gamit ang pako.

May instruction na rin ang COMELEC Comissioner sa DENR na pagka puno na ang pinag-uusapan ang City Environment and Natural Resources o CENRO ang magbabantay at maglilinis sa mga ito.

Napagkakamalang opposing candidates ang mga tauhan ng CENRO sa tuwing tinatanggal nito ang mga nakapaskil na posters na kinakabit ng mga supporters ng mga kandidato.

Kung kaya’t minabuti ng CENRO sa linggong ito na i-request sa philippine national police na samahan sila kapag tinatanggal ang mga nakapaskil sa mga punong kahoy.

Tags: , , , ,