Pitong session days na lamang ang nalalabi bago muling mag adjourn ang session ng Kongreso sa February 6.
Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin umuusad ang panukalang Bangsamoro Law for The Bangsamoro Autonomous Region o mas kilala bilang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa ngayon nanatili pa rin itong nasa period of amendments sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Samantalang sa Senado naman ay na nasa second reading o period of interpelation.
Dahil dito naniniwala ang ilang Muslim leader at mambabatas sa Mindanao na hindi na ito maisabatas sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino The Third.
Ang pangunahing problema, walang quorum o sapat na bilang ng mga mamababatas upang talakayin ang panukalang batas.
Ang Senado , ayon kay Lobregat, magiging abala pa sa re-investigation ng Mamasapano incident.
Bukod pa rito ang pag uumpisa ng campaign period sa Pebrero at inaasahang magiging abala na ang mga mambabatas sa panagangampanya dahil karamihan sa mga ito ay re-electionist.
Iginiit naman ng ni Alim Abdulmuhmin Mujahid ng Darul Ifta-Islamic Advisory Council, dapat na isama sa BBL ang 1996 agreement ng Pamahalaan at MNLF.
Naniniwala ang mga ito na bagama’t maipasa ang BBL ay hindi pa rin magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao kapag hindi naisasama ang ibang armadong grupo sa rehiyon.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: Ilang Muslim leader, kasalukuyang administrasyon, panukalang BBL