Marami ang nabuhayan ng loob nang makita ang mga bagong tren na isa-isa ng naide-deliver sa bansa
Subalit ayon sa private owner ng MRT na MRT Corporation, hindi nila ito patatakbuhin sa Marso
Ito ay sa dahil nilabag umano ng DOTC ang terms of reference ng kontrata ng Dalian China na bago i-deliver ang mga bagon ay dapat sumailalim na ito sa 5 thousand kilometer test run.
Ayon sa Chairman ng MRT Holdings na si Robert Sobrepeña, hindi maaaring isagawa ang 5 thousand kilometer test run dito sa Pilipinas dahil sa hindi magandang kondisyon ng mga riles
Ang test run ay ginagawa sa bilis na 65km per hour gayong ang bilis ng MRT train ngayon ay nasa 40km per hour lamang
Ipinunto rin ng MRTC ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa ang Dalian China ng tren na katulad ng MRT.
Ang mga tren na ginagawa ng Dalian China ay mga locomotive tulad ng sa PNR.
Ayon sa MRTH kung ipipilit ng DOTC na patakbuhin ang mga bagong tren, maaaring malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga pasahero
Noon, nasa 600 thousand ang pasahero ng MRT, ngunit bumaba ito sa 360 thousand dahil konti na lamang ang tumatakbong mga tren.
Ang maraming pasahero ng MRT ay napilitan ng mag-bus kaya lumala ang trapik sa EDSA.
Ayon pa sa MRTC, pinaaasa lamang ng DOTC ang mga commuter na tatakbo ang tren sa Marso, minadali rin ang pagdeliver sa mga bagon gayong hindi pa ito nasusubukan
Ang sagot naman ng DOTC.
“He is guessing, he’s getting information from whatever source but be transparent, there’s a five thousand kilometer test, it doesn’t specify, ano in-insist nya sa China? With all these comment of his kung ginawa nila yung responsibilidad nila na bumili ng tren bilang may ari talaga then siguro may karapatan siyang magkomento at dapat siyang pakinggan.” pahayag ni DOTC Secretary Jun Abaya
Nagsampa ng kaso ang MRTC laban sa DOTC at ito ay nasa Court of Appeals na.
Nakahanda namang iurong ng MRTC ang mga kaso kung makikipag-usap sa kanila ang DOTC.
(Mon Jocson/UNTV News)
Tags: bagong tren, DOTC, MRT Corporation