Si Senador Chiz Escudero ang nagbalangkas ng resolusyon na dapat i-override ang ginawang pag- veto ng pangulo sa SSS pension hike.
Ayon kay Escudero ilalabas nila ito sa publiko kapag nakakuha na ng sapat na lagda.
Batay sa Article VI Section 27 ng 1987 Constitution, maaring i-override ng kongreso ang isang presidential veto sa pamamagitan ng pagpasa ng panukala sa pamamagitan ng two-thirds na boto mula sa senado at house of representatives
Ayon naman kay Senate President Drilon, pamumulitika ang hakbang na ito.
Sinabi ni Drilon na ang pag-override ay manggagaling sa mababang kapulungan dahil dito nagmula ang panukalang batas.
Para kay Drilon hindi makakakuha ng mayorya o kinakailangang labinlimang lagda ng mga senador upang umusad ang resolusyon.
Nagpahayag rin ng pag-aalinlangan si Drilon kung makakabuo ng quorum upang talakayin ang resolusyon.
Sinabi naman ni Senator Ferdinand Marcos hindi ito pamumulitika.
Pabor si Senador Marcos sa resolusyon nai-override ang hindi inaprubahan ni Pangulong Aquino sa SSS pension increase
Bukod kina Marcos at Escudero, pumabor din sa resolusyon sina Senador Cynthia Villar, Antonio Trillanes IV at Serge Osmena
Kabilang naman sa mga sponsor ng SSS pension hike sa senador sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Deputy Minority Leader Vicente Sotto III, at senators Teofisto Guingona III, Joseph Victor Ejercito, Ramon Revilla Jr., Escudero, Jinggoy Estrada, at Marcos.
Samantala hindi naman pabor si Senador Sonny Angara sa resolusyon dahil naniniwala siyang ang lower house ang dapat gumawa ng pag-override.
Ayon naman sa malakanyang, pabor sila sa pahayag ni Senate President Drilon na nasa lower house ang unang hakbang sa pag-overide
Paglilinaw ni Marcos, ang resolusyon ay walang epektong legal kahit na itoy kanilang pirmahan
Kahalintulad lang ito ng nooy resolusyon na ginawa rin nila na dapat ratipikahan muna ng senado ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ngunit kamakailan naman ay kinatigan ng Supreme Court.
(Bryan de Paz/UNTV News)
Tags: override, SSS pension hike