Director ng Bureau of Plant Industry, pinaiimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng garlic cartel isyu

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 2345

OMBUDSMAN
Pinapaimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang director ng Bureau of Plant Industry o BPI na si Clariton Barron sa reklamong graft at direct bribery.

Kaugnay ito ng umano’y pagtanggap ni barron ng 240 thousand pesos sa suhol para magisyu ng import permit ng bawang noong July 2012.

Ayon sa Ombudsman, nasa preliminary investigation na ang reklamo laban kay barron at maaari itong patawan ng preventive suspension.

Enero nang nakaraang taon nang maghain ng reklamo ang National Bureau of Investigation laban sa mga opisyal ng BPI sa Ombudsman dahil sa umano’y hoarding ng mga bawang na nagresulta sa pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Tags: , , ,