AFP at PNP nasa pinakamataas na alerto pa rin sa Mindanao

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1513

DANTE_RED-ALERT
Simula pa noong January 14 ang paglalagay ng AFP at PNP sa pinakamataas na alerto dito sa Mindanao at patuloy pa ang maigting na pagbabantay sa seguridad sa mga vital installation lalo na sa mga place of convergence tulad ng mga mall at mga terminal.

Ayon kay Police Senior Inspector Milgrace Driz, spokesperson ng Davao City Police Office, pinaiigting din ang intelligence monitoring sa mga border ng bansa.

Dagdag pa ni Driz, hindi lamang ang COMELEC gun ban ang layuning ipatupad ng checkpoint kundi pati narin ang kabuuang kaayusan ng lungsod.

Sa panig naman ng militar, sinabi ni Captain Rhyan Batchar, spokesperson ng 10th Infantry Division na pinagtutuunan na rin nila ng pansin ngayon na maging mas aktibo pa ang maritime law enforcers ng bansa dahil gumagamit na rin ng dagat ang mga terorista.

Muli naman ipinahayag ng armed forces of the philippines na wala pang direktang koneksyon ang mga daesh o mga extremist sa ating bansa.

Mariin pa rin ang pakiusap ng militar at ng pulisya na makipagtulungan ang mga mamamayan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,