Umakyat na sa pitumput anim ang bilang ng mga nasawi sa nararanasang Nigeria Lassa Fever outbreak sa labing walong estado sa bansa.
Ayon sa Nigerian Health Ministry dapat ikabahala na ang mga ganitong sakit lalo nat kung may ebidensya na nahahawa na rin ang mga tao.
Ang Lassa fever ay isang accute viral hemorrhagic disease na may kahalintulad sa Ebola at karaniwan na sa West Africa.
Ipinangalan ito sa isang bayan sa Nigeria kung saan naitala ang unang kaso nito.
Sinabi ng mga health official na ang Lassa fever ay animal-borne at ang carrier nito ay ang multimammate rats na matatagpuan sa rehiyon.
Ang unang kaso ng pagdami ng sakit ay naitala sa estado ng Bauchi noong Agosto ng nakaraang taon at opisyal na dineklarang outbreak ngayong buwan.