64 kilong shabu, nakumpiska ng PDEA at AIDG sa isang townhouse sa Maynila kagabi

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 2879

Sinalakay nang pinagsanib na pwersa ng PNP AIDG at PDEA ang isang townhouse sa Felix Huertas, Sta. Cruz Manila kaninang 12:30 ng umaga.

Ayon kay PNP AIDG legal and investigation division Chief P/Cinsp. Roque Merdegia Jr., ang raid ay base sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni executive Judge Fernando Sagun Jr. ng Quezon City RTC.

Aniya, sa loob ng townhouse nakita ang lutuan ng shabu at mga finish products na umaabot sa 64 kilos na nagkakahalaga ng 320 milyon pesos, mga gamit sa pagluluto ng shabu at tatlong telepono.

Nahuli din ang suspect na si Yan yY Shuo, 33y/o at Residente ng Jabonero st. Binondo Manila.

Kasama ng suspect sa loob ng townhouse si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Bunsod nito, sinabi ni PDEA Director Gen. Arturo Cacdac Jr., iimbestigahan nila kung bakit nasa loob nang townhouse na may lutuan ng shabu ang opisyal.

Matatandaang si Lt. Col. Ferdinand Marcelino ang nagbulgar na may suhulang nangyayari sa PDEA at DOJ pabor sa mga big time drug trafficker na Alabang boys noong 2008.

Dagdag pa ni Merdegia, posibleng maharap ang suspek sa kaso dahil sa paglabag sa sec. 8 o manufacture at section 11 possession of dangerous drugs ng R.A 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

(Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: , ,