METRO MANILA – Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na sa darating na Miyerkules, March 27, posibleng umabot sa 150,000 ang bilang ng mga daragsang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mas mataas ito kumpara sa daily average na kadalasang umaabot ng 135 hanggang 140,000 lamang.
Umaasa si DOTr Sec. Jaime Bautista na agad na maipatutupad ng winning bidder para sa NAIA rehabilitation ang ilang infrastructure projects gaya ng bagong kalsada para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing peak season.