15 suspected drug user at pusher sa Camanava area, patay sa magkakahiwalay na Anti-Illegal Drug Operation

by Radyo La Verdad | August 18, 2017 (Friday) | 2716

Buong magdamag na nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement  Unit sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela o Camanava area. Karamihan sa mga ito, nauwi sa madugong engkwentro.

Ayon sa pinakahuling tala ng Northern Police District as of 5am ay umabot na sa 20 ang mga nasasawi. Ang mga ito umano ay mga drug pusher at user na nanlaban sa mga pulis ng tangkang aarestuhin na ang mga ito.

Gaya sa Caloocan City sa barangay 120, pinagbabaril ng mga pulis sa loob ng bahay si Jonathan Padua, 37 anyos at dalawang kasama nito. Magsasagawa umano ng buy bust ang mga pulis ngunit nanlaban umano ang mga ito.

Habang isa ding suspected pusher na si Enrico Tayag ang huhulihin ng mga pulis sa barangay 13 ngunit nakipaghabulan umano ito sa mga operatiba at nakipagbarilan. Nakorner ito at napatay ng mga pulis.

Sa ngayon patuloy pa rin ang operasyon ng mga pulis sa Camanava at nadadagdagan pa napapatay sa engkwentro ng mga pulis.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,