15 patay habang 35 sugatan sa pagsabog ng pampasaherong bus sa Pakistan

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 2518
Pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Peshawar, Pakistan(REUTERS)

Pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Peshawar, Pakistan(REUTERS)

Aabot sa labing lima ang nasawi habang nasa tatlumput lima ang nasugatan sa pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Peshawar, Pakistan.

Makikita sa CCTV footage na tinatahak ng nasabing bus ang main road nang bigla itong sumabog.

Karamihan sa mga pasahero ng bus ay pawang mga government employees na papasok na sa trabaho.

Ayon sa bomb disposal squad officials,aabot sa sampung kilong pampasabog ang itinanim sa bus.

Sa kasalukuyan, patuloy parin ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.

December 2014 ng atakihin ng taliban ang isang army-run school sa siyudad na ikinasawi ng mahigit isang daan at tatlumpu estudyante.

Tags: , , ,