15 lugar sa Metro Manila, nakapagtala na ng kaso ng omicron variant – DOH EB

by Radyo La Verdad | January 19, 2022 (Wednesday) | 8722

Ikinokonsidera nang predominant variant sa National Capital Region ang Omicron. Ito ang nakita ng Department of Health Epidemiology Bureau sa huling genome sequencing.

Gayunman, hindi  na nila tinukoy kung saan saang lugar sa Metro Manila ang may kumpirmadong kaso ng omicron variant.

“Our latest whole genome sequencing showed that the omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region, it’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local omicron cases”, ani Dr. Alethea de Guzman, Director, DOH Epidemiology Bureau.

Ayon kay dr. Althea de Guzman, bukod sa mabilis na pagkalat ng nasabing variant, ang pagtaas ng kaso sa NCR ay bunsod na rin paglabas ng mga tao at nabawasang pagsunod ng ilang Pilipino sa minimum public health standards.

Bukod sa Metro Manila, napansin na rin ng kagawaran ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lahat ng rehiyon at probinsya.

“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR plus but we’re already seeing continuous and swift increases”, dagdag ni Dr. Alethea de Guzman.

Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Jan. 17, 2022, iniulat din ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatiling dominant variant ang Omicron sa bansa.

Ayon pa kay Duque, nananatili nasa critical risk sa Covid-19 ang Pilipinas sa kabila ng pagbagal ng growth rate ng infections.

Nel Maribojoc | UNTV News

Tags: , ,