14th People’s Day ng UNTV Action Center, isinagawa sa Brgy. Pitogo, Makati City

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 1812
(photo courtesy of Photoville International)
(photo courtesy of Photoville International)

Sa ika-14 na pagkakataon ay muling matagumpay na isinagawa ang People’s Day kanina sa Brgy. Pitogo, Makati City.

Ang dapat na registration time mula 6am hanggang 10am ay nagtuluy-tuloy hanggang 11am upang bigyang daan ang iba pa nating mga kababayan na nais makakuha ng libreng serbisyo na hatid ng nasabing proyekto.

Bukod sa seminar na hatid ng PhilHealth, isinagawa rin ng UNTV News and Rescue Team ang First Aid and Safety Seminar na pangunahing dinaluhan ng grupo ng Fort Bonifacio National High School Batch 99 na syang humiling ng People’s Day para sa kanilang mga kabaranggay.

“Sana i-open nyo pa sa ibang outreach group na katulad namin itong adhikain nyo.”

Ito ang naging pahayag ni Lester Chavez, ang Vice President ng FBNHS Batch 99.

Tally of Rendered Services:

Medical Adult Consultation: 341
Pediatric Consultation: 193
Dental Extraction: 79
Optical Consultation with free reading glasses: 292
ECG: 15
Massage: 97
Chest x-ray: 21
RBS: 23
Haircut: 49
Legal Consultation: 5
PhilHealth: 20
Recipients of Medicines: 472
TOTAL: 1,607

Samantala, ngayon pa lang ay ikinakasa na ng UNTV Action Center ang dalawang People’s Day para sa darating na buwan ng Abril. Antabayanan sila sa Brgy. Bangkulasi, Navotas at Brgy. 861, Zone 94, Pandacan, Manila.