14th month pay para sa public at private employees, isinusulong

by Radyo La Verdad | June 8, 2023 (Thursday) | 447

METRO MANILA – Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang “14th month pay”.

Sa ilalim ng House Bill 8361 na inihain nina Davao City First District Representative Paolo Duterte, Benguet Representative Eric Yap at ACT-CIS Partylist Representative Edvic Rap, maaaring makatanggap ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor ng 14th month pay.

Ito ay kahit ano pa man ang kanilang “employment status.”

Sa ilalim ng panukalang batas ipamamahagi ang 14th month pay bago o tuwing November 30 o bago ito.

Habang ang kasalukuyang 13th month pay ay ibibigay bago o tuwing May 31.

Ayon sa mga mambabatas bagamat mayroon nang 13th month pay, patuloy ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at hindi na nakasasabay pa ang sweldo ng mga empleyado.

Tags: ,