Nagreklamo ang dating Ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowel Menorca the second sa ginawang pag-aresto sa kanya alas nuebe ng umaga ngayon myerkules sa Maynila ng mga naka sibiliyang pulis.
Patungo sana si Menorca sa Court of Appeals kasama ang kaniyang asawa upang dumalo sa hearing at tumestigo sa writ of amparo na nai-file ng kaniyang mga kamag-anak noong October 2015
Sa video na kuha ni Jingky, habang inaresto si Menorca, patuloy na tumatanggi ang mga pulis na ipakita ang kanilang badge sa mag-asawa.
Maging ang kopya ng warrant of arrest ay hindi pinabasa ng buo sa mag-asawa.
Dito na nagkaroon ng komosyon o standoff kina Menorca na nakasakay sa toyota innova at ng mga pulis sa kanto ng Roxas Boulevard at Quirino Avenue na tumagal ng halos dalawang oras
Tumanggi si Menorca na sumama sa mga pulis na umanoy mga miyembro ng INC
Naniniwala si Menorca na imposibleng walang kinalaman rito ang iglesyang kaniyang dating kinaaaniban.
Hindi bumaba si Menorca sa kaniyang sasakyan hanggang sa dumating ang director ng MPD na si General Rolando Nana na nangako ng kaniyang kaligtasan at aasistehan hanggang sa istasyon ng pulis.
Dito sumama na si Menorca kay General Nana sa Ermita Station 5 para mai-book.
Ang warrant of arrest ay inisyu mula pa sa Regional Trial Court ranch 12 ng Kapatagan Lanao del Norte noong December 21, 2015.
Ngunit nakapangalan ito na Lowell Menorca the third sa halip na Lowell Menorca the second.
Kung saan may bail na 10,000 pesos.
Ayon kay Menorca ang ginawang pagaresto sa kaniya ay bahagi ng plano ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo upang hindi siya makatestigo sa Court of Appeals at ihayag ang katotohanan.
Dagdag ni Menorca, gagawin ang lahat ng paraan ng pamunuan ng Iglesia upang gipitin siya at huwag lumabas ang katotohanan at nalalaman nya na ang ginawa sa kanya ay matagal nang modus ng INC.
“The timing, they have perfect timing, and i know this for a fact. They have done this before, with Eli Soriano, you know the Ang Dating Daan,so i know the modus, i was expecting this.” Pahayag ni Menorca
Habang ibino-book hanggang sa medical checkup sa ospital ng Maynila, tumatanggi si Menorca na asistehan siya ng mga miembro ng INC.
Ayon sa legal counsel ni Menorca, wala silang natatanggap na noticed sa nasabing libel case.
“Because of these are had been publicized we don’t have a noticed, please take note we have no noticed, any sort, any complaint affidavit, what we have are media reports allegedly of people who have filed suit for libel in relation to alleged statement that he has made pertaining to a group called scan.” Ayon kay Atty. Trixie Angeles, Legal Counsel ni Menorca
Tiniyak naman ng Ermita Police Station 5 Commander na iimbestigahan ang procedure ng ginawang pag-aresto kay Menorca.
Mananatili sa kustodiya ng Manila Police District si Menorca habang inaabangan ang court order sa bail nito sa kasong libel.
(Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: Iglesia ni Cristo, Lowell Menorca