SK Reform Law, unang batas na may probisyon ukol sa Anti-Political Dynasty ayon sa ilang mambabatas

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 3168

MARCOS
Ipinagmalaki ng ilang senador ang pagsasabatas ng Sangguniang Kabataan Reform Act.

Lalo na at ayon sa mga mambabatas ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ang Pilipinas ng batas na may probisyon sa Anti Political Dynasty.

Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Aquino nito lamang Enero 15.

Bukod sa Anti-Dynasty Provision, ang bagong batas ay pinalawig rin ang age limit sa SK officials mula 15 to 17 ay ginawa itong 18 hanggang 24 na taong gulang.

Ito’y upang matiyak na sila’y karapat-dapat na lumahok sa isang kontrata at managot naman kapag may nilabag na batas.

Sinabi ni Senador Bam Aquino, ang SK Reform Law ay repleksyon ng pagtitiwala sa kakayahan ng mga kabataang filipino na manguna sa pag-unlad ng bansa

Ayon kay Senator Bong-bong Marcos makasaysayan ang pagsasabatas sa Sangguniang Kabataan Reform Act Bill dahil sa probisyon nito sa Anti-Political Dynasty.

Sinabi ni Marcos na palalakasin ng bagong batas ang mga youth leader hindi lamang sa pagresolba sa natatanging issue sa kanilang sector kundi may makahulugan din itong kontribusyon sa local governance at nation–building.

Ipinahayag naman ng isa sa principal author ng SK Reform Act na si Senador Ejercito na siya rin nag introduce ng Anti Political Dynasty Provision 80 to 90 percent ng mga dumalo noon sa kanilang public hearing na SK officials ay kamag-anak ng mga pulitiko.

Nakasaad sa Anti-Political Dynasty provision na ang kamag-anak ng isang halal o itinalagang opisyal hanggang second degree of consanguinity o affinity ay pinagbabawalang maluklok sa sangguniang kabataan.

Ayon kay Ejercito sa oktubre ngayong taon ay magdaraos ng SK elections kasabay ng barangay elections.

Ipinahayag naman Malakanyang, palalakasin ng batas na ito ang sangguniang kabataan na magsisilbing daan para sa partisipasyon ng mga kabataan sa community development.

Nakasaad sa SK Reform Law ang pagkakaroon ng mandatory training fund ng limampung milyong piso upang palakasin ang leadership skills ng mga sangguniang kabataan.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,