United Nations, nababagalan sa reconstruction effort ng Pilipinas sa yolanda-affected areas

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 1333

u-n-representative-of-the-secretary-general-for-disaster-reduction-margareta-wahlstrom
Nababahala ang United Nations sa posibilidad na maabutan ng susunod na malakas na bagyo ang mga pamilyang naapektuhan ng typhoon yolanda noong 2013 na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga temporary shelter.

Sinabi ni U-N Representative of the Secretary General for Disaster Reduction Margareta Wahlstrom na nababagalan sila sa reconstruction effort ng Pilipinas sa yolanda-affected areas.

Sa kabila nito, ayon sa United Nations, nagsilbi namang halimbawa ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa ginagawang paghahanda sa mga kalamidad.

Hinikayat rin nito ang mga local government unit na makiisa sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagsusulong ng disaster preparedness upang malabanan ang climate change.

Naniniwala naman ang National Climate Change Commission na malaking tulong ang nilagdaang Paris agreement noong December 2015 upang lalong makapaghanda sa hinaharap ang Pilipinas sa posibleng pananalasa pa ng isang katulad na lakas ng bagyong yolanda.

Target naman ng National Economic Development Authority o NEDA na makumpleto ang yolanda recovery at rehabilitation efforts ngayong 2016.

Sa kasalukuyan nasa labintatlong libong housing units pa lamang ang nakukumpleto ng pamahalaan at nasa walumpung libong units ang kasalukuyan pang itinatayo.

Pangunahing problema at hamon pa rin ng pamahalaan sa resettlement ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong yolanda ay ang land acquisition at procurement policies na nagpapabagal sa recovery efforts.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,