Desisyon sa panukalang pagbabawas sa singil sa pamasahe ng ilang transport groups, ipapaubaya ng Malakanyang sa LTFRB

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 1942

JEEP
Mandato ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na desisyunan ang panukala ng ilang transport group na bawas singil sa pasahe sa mga jeep.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma, naniniwala silang matutugunan na ito ng maayos ng LTFRB.

“Ang Land transportation Franchising and Regulatory Board, tumutupad sila sa kanilang tungkulin na ang singil sa pampublikong transportasyon ay makatuwiran at makaturangan, kaya’t nagdadaos sila ng mga public hearings,” pahayag ni Coloma

Una ay nagpahayag ang iba‘t-ibang transport group na bukas sila na bawasan ng hanggang piso pa ang kasalukuyang 7.50 minumun fare sa jeepney bunsod na rin ng sunod-sunod na rollback sa presyo ng diesel.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,