Pagbaba ng presyo ng langis, may positibo at negatibong epekto sa ekonomiya – Prof Leonor Briones

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 13979

OIL
Para sa ilang ekonomista makakaapekto sa mga pilipinong nagta-trabaho sa mga bansang nagpo-produce ng langis ang patuloy ng pagbaba ng presyo nito sa international market.

Ayon sa dating National Treasurer na si Professor Leonor Briones, bagama’t may mga positibong epekto ito sa bansa ay may mga downside din naman ito.

Pangunahin na ay ang magiging epekto sa mga overseas filipino workers na nagta-trabaho sa mga oil producing country mula sa mga household helper hanggang sa mga professional gaya ng engineers.

Maaaring maapektuhan maging ang remittance ng ofw kung hihina ang ekonomiya sa middle east.

Sa record ng Department of Foreign Affairs, nasa 2.2M na ang mga pilipino doon.

Ayon naman sa ekonomistang si Wilson Lee Flores, dapat ay maramdaman sa mga bilihin ang malaking pagbaba sa presyon ng langis.

Mula sa mga pangunahing bilihin, mga produktong petrolyo gaya ng lpg, kuyente at gayon din sa presyo ng pamasahe kabilang na ang sa eroplano.

Posible rin aniyang lalo pang bumaba ang presyo lalo na’t makasasali na rin ngayon ang iran sa pageexport ng langis.

Mababawasan din ang demand dahil bumabababa ang ekonomiya ng China na isa sa pinakamalakas kumonsumo ng langis.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na may mga nakahanda namang programa ang pamahalaan upang suportahan ng mga ofw na uuwi sa bansa.

(Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: ,