Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill no 2982 o ang Expanded Maternity Leave Law of 2015 na magtatakda ng isang daan araw na maternity leave sa mga babaeng empleyado sa public at private sectors, caesarian o normal delivery man.
Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na oras ang mga ina na makabawi sa kanilang kalusugan at magawa ng maayos ang tungkulin nito sa anak bago mag-trabaho muli at mabigyan ng financial support ang mga ina habang naka-maternity leave.
Nakasaad sa batas ang animnapung araw na maternity leave para sa government employees at animpu hanggang pitumput walong araw naman para sa mga manggagawa sa pribadong sektor kahit ano pang paraan nang panganganak.
Ang kasalukuyang maternity leave ay kulang pa sa 98-days minimum requirement ng International Labor Organization.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com