Plano ng CAAP na maglagay ng Automatic Dependent Surveillance-Broadcast o ADS-B sa Pagasa Island.
Ang ADS-B ay isang satelite based surveillance system na kayang mag monitor ng mga commercial aircraft na pumapasok at lumalabas sa bansa
Subalit habang nagsasagawa ng survey ang team mula sa CAAP, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng isang radio message mula sa Chinese Navy
Ayon sa Chinese Navy, kailangan nilang umalis dahil sila ay nasa Chinese territory, subalit hindi ito pinansin ng CAAP at nagpatuloy ang kanilang survey.
Ayon sa CAAP, “purely commercial” ang paglalagay ng surveillance system at hindi para i-monitor ang pagtatayo ng mga imprastraktura ng mga Chinese sa pinagaagawang teritoryo
Sa ngayon ay mayroon lamang tatlong radar ang Pilipinas, sa area ng Laoag, Tagaytay at Mt.Majic, aminado ang CAAP na mayroon pa ring ilang lugar sa Pilipinas na hindi nila namo-monitor anggalaw ng mga eroplano, gaya ng saPalawan at sa bahagi ng Mindanao.
Sa nobyembre ay matatapos ang sampu pang radar na tinatawag na CNS-ATM at makakasakop nito ang mas malaking bahagi ng Pilipinas, subalit sa kabila nito mayroon pa ring ilang lugar na itinuturing na blind spot ng CAAP, gaya ng sa Pagasa at kabilang bahagi ng Pilipinas, subalit plano ng CAAP na mag-install ng tinatawag na ADS-B o Surveillance System na mag momonitor ng galaw ng eroplano sa Pagasa island.
Ayon sa CAAP, made-detect lamang ng surveillance system ang mga eroplano na papayag ma-monitor.
Anumang eroplano na hindi compatible sa surveillance system ay hindi makikita ng CAAP.
Ayon sa CAAP, magandang site ang Pagasa Island na paglagyan ng surveillance system dahil walang sagabal o mga bundok na makakaharang sa signal.
Samantala, hindi pa nagbibigay pahintulot ang Department of Foreign Affairs at security cluster sa planong ito ng CAAP.
Umaasa ang CAAP na sa lalong madaling panahon ay ma aprubahan ito dahil malaki ang maitutulong nito sa aviation industry ng bansa lalo na at mayroong 200 international flights ang dumadaan sa ibabaw ng Pagasa Island araw-araw
Nagkakahalaga ng 50 million pesos ang surveillance system ng CAAP.
(Mon Jocson/UNTV News)
Tags: CAAP, Pagasa Island, Surveillance gadget