2 submarine na dumaong sa Subic Bay Freeport ngayong buwan, bahagi ng U.S routine port visit

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 1658

submarine
Ngayong buwan ay dalawang submarine na mula sa bansang Amerika ang dumating sa Subic Bay Freeport.

Una na rito ang pagdaong ng Virginia-Class Fast-Attack Submarine na kilala ring USS Texas noong January 5 na bahagi ng Indo-Asia-Pacific Deployment.

At ang USS Topeka o ang Los Angeles-Class Fast-Class Submarine SSN 754 noong January 12, araw ng martes na may lulan ng 160 sailors.

Bahagi ito ng kanilang isinasagawang routine port visit na kabilang sa nakapaloob sa Visiting Forces Agreement o VFA.

Noong mga nakaraang taon din ay may mga barkong dumating sa Subic Bay Freeport.

Noong 2014 limang US ships ng Amerika ang dumaong sa Subic Bay Freeport habang tatlong US Naval Ships naman ang dumating noong 2015.

Nilinaw ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na wala itong kinalaman sa Enhance Defense Cooperation Agreement

Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Roberto Garcia, nagkataon lamang ang pagdating ng submarine nang aprubahan na constitutional ang EDCA.

Sinabi ni Garcia, malaking bentahe para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng presensya ng mga sundalong amerikano sa mga apektado ng tensyon sa West philippine sea tulad ng mga mangingisda

Magugunitang sa 2+2 ministerial meeting ng Amerika at Pilipinas ipinahayag ng Estados Unidos na hindi nito pahihintulutang mamayani ang China sa South China Sea at titiyaking magpapatuloy ang pag-iral ng freedom of navigation sa lugar.

Gagawin ito ng U-S sa pamamagitan ng patuloy na paglipad at paglalayag sa mga lugar na may territorial dispute, sangayon sa international law.

(Joshua Antonio/UNTV News)

Tags: , ,