Alegasyong sa Mindanao nagmula ang ibang armas na ginamit sa Jan 14 Jakarta attacks, bineberipika ng AFP

by Radyo La Verdad | January 18, 2016 (Monday) | 2450

Armed-Forces-of-the-Philippines-Brig.-General-Restituto-Padilla
Ipinahayag ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Brig. General Restituto Padilla na beniberpikana nila ang mga ulat na nakarating sa AFP General Headquarters tungkol umano sa mga armas na ginamit sa terrorist attack saterrorist attack noong huwebes.

Kaugnay ito sa pahayag ni Indonesian Senior Minister for Political, Legal and Security Affairs Luhut Pandjaitan na ilang armas na ginamit sa pag-atake sa Central Jakarta galing umano sa Mindanao.

Dagdag pa nito, nadiskubre naman ng Indonesian Police na sa Jakarta na inassemble o binuo ang mga pampasabog.

Subalit hanggang ngayon, wala pang pormal na ulat na natatanggap ang AFP mula sa Indonesian government hinggil dito.

Aminado naman ang AFP na dahil sa pagiging isang kapuluan ng Pilipinas, posible ang pagkakaroon ng smuggling ng baril o armas sa mga kalapit na bansa lalo na sa katimugang bahagi ng bansa.

Kaya’t pinaiigting pa nito ang border patrol.

“Anything is possible, in all these borders, although we try as much as possible to protect our borders, as i mentioned earlier, very porous ito, that’s why it’s always serious discussion with our neighbors, and we always try to do this together.” pahayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. General Restituto Padilla

Noong nakalipas na linggo, inako ng teroristang grupong Daesh ang magkakasunod na pagsabog sa iba’t ibang lugar sa Jakarta, Indonesia noong huwebes.

Walo na ang naitalang nasawi sa pag-atake.

Ayon sa Chief of Police ng Jakarta, isang Indonesian Daesh militant na kinilalang si Bahrun Naim ang namuno sa pag-atake.

Samantala, nananatili namang naka-heightened alert ang Armed Forces of the Philippines upang manatiling alerto at handa ang bawat kawal hangga’t hindi pa nawawala ang bantang seguridad sa mga kalapit na bansa.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , , ,