147 patay, matapos lusubin ng Islamist militant group ang isang unibersidad sa Kenya

by dennis | April 2, 2015 (Thursday) | 2684
Isa sa mga rumespondeng sundalo sa Garissa University College (Photo credit: Reuters)
Isa sa mga rumespondeng sundalo sa Garissa University College (Photo credit: Reuters)

(Reuters)- Nilusob ng mga armadong miyembro ng Islamist militant group na al Shabaab ang isang pamantasan sa Kenya kung saan hindi bababa sa 147 katao ang patay nitong nakaraang Huwebes

Umabot ng halos 15 oras ang pagkukubkob ng Somali armed group sa Garissa University College kung saan karamihan sa mga hostage nito ay pawang mga Kristiyano samantalang pinabayaan namang makalabas ang mga estudyanteng Muslim.

Ayon kay Interior Minister Joseh Nkaissery, apat na armadong lalaki ang may mga bomba na nakakabit sa kanilang katawan ang nasa likod ng naturang pag-atake.

Napatay naman ang mga ito ng mga rumespondeng pulis at sundalo.

Ito na ang tinaguriang “deadliest attack” sa Kenya makaraang bombahin ng Al Qaeda ang US embassy sa nabanggit na bansa noong 1998 kung saan 213 ang patay

Agad namang kinondena ng Amerika ang ginawang karahasan sa unibersidad.

Tags: , , , , ,