PNP, umaasang mabibigyan na ng parangal ang SAF 44

by Radyo La Verdad | January 15, 2016 (Friday) | 6559

MEDAL-OF-VALOR
Sa nalalapit na anibersaryo ng pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force, inirekomenda ng National Police Commission o NAPOLCOM kay Pang. Benigno Aquino III ang pagbibigay ng pinakamataas na parangal o medal of valor sa dalawa sa mga ito.

Habang medalya naman ng kabayanihan ang rekomendasyon para sa 42 iba pa.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, inirekomenda nila sa NAPOLCOM ang pagbibigay parangal sa mga nasawing elite force ng PNP na kaagad na dinala naman sa Malakanyang.

Sinabi pa ng heneral na alam nang buong mundo ang kabayanihan ng SAF 44 kaya’t marapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga ito.

Kabilang sa nais na mabigyan ng medal of valor o pinakamataas na parangal ay sina P/CInsp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.

Si Tabdi ang team leader ng team 1 main efgort 1, 84th Special Action Company o assault team sa ikinasang oplan exodus sa Tukanalipao Mamasapano Maguindanao.

Si Tabdi rin ang pumutol sa daliri ni Marwan na napatay sa kanyang kubo.

Habang si PO2 Cempron naman ang nagsilbung lead gunner sa main efgort 2, 55th Special Action Company i blocking force.

Siya ang nagbigay seguridad sa arresting team nina Marwan at Usman at tumulong upang makatakas ang kasamahang si PO2 Christoper Lalan.

Samantala, medalya naman ng kabayanihan ang inirekomenda sa 42 pang miyembro ng SAF 44 pati na sa team leader ng Oplan Exodus na si P/Supt. Raymund train.

Kabilang sa mga benipisyo na matatanggap ng pamilya na gagawaran nang medal of valor ay ang:

1. 20 libong piso na monthly allowance.
2. Exempted sa entrance exam sa pnpa at pma ang anak.
3. Maaaring mabigyan ng trabaho sa gobyerno.
4. Approval sa housing application
5. Libreng medical, dental at consultation sa alin mang pribado at pampublikong ospital sa bansa.

(Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: , , ,