Muling pagbubukas ng Mamasapano Senate Probe sa January 25, ipinagpaliban

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1269

saf-44
Sa halip na January 25, ay maipagpaliban sa January 27 ang re-investigation sa Mamasapano incident.

Hiniling ng Philippine National Police kay Senator Grace Poe na sa nasabing petsa idaos ang re-investigation upang bigyang daan ang paggunita sa pagkamatay ng apat na put apat na Special Actions Force.

Ayon sa kampo ni Senador Grace Poe, maglalabas sila ng pinal na anunsyo at listahan ng mga resource person sa nasabing pagdinig.

Sinabi naman ni Representative Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Team Daan Matuwid, kahit anong araw pa ang itakda ng senado ay nakahandang humarap si dating DILG Secretary Mar Roxas kung siya’y ipapatawag.

Ayon kay Guttierez, ito ay sa dahilang ayaw nilang mabahiran ng pulitika ang imbestigasyon lalo’t hindi mag-i-inhibit si Poe.

Para naman kay Senator Grace Poe kung walang mag-iimbita kay Roxas na humarap hindi niya ito iimbitahan.

Ayon naman sa Malakanyang, nananatili silang bukas sa imbestigasyon sa Mamasapano dahil wala na itong itinatago tungkol sa usapin.

Sinabi pa ni Coloma na kahit minsan hindi pinigilan o pinagbawalan ni Pangulong Aquino ang pagharap ng miyembro ng gabinete sa alinmang imbestigasyon basta’t naayon sa batas.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,