Muling nagsama-sama ngayong umaga sa Malakanyang ang mga matataas ng opisyal ng pamahalaan, dignataries at mga representante mula sa iba’t ibang sektor para sa tradisyunal na vin d’honneur para sa pagpapalit ng taon.
Sinamantala ni Pangulong Aquino ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga miyembro ng diplomatic corps dahil sa mga ginawang tulong sa bansa sa nakalipas na mahigit limang taon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Partikular na kapag may mga kalamidad o bagyo na nararanasan ang bansa.
Naniniwala rin si Pangulong Aquino na kung magpapatuloy ang pagtutulungan ng international community ay makakayang maresolba ang mga isyung kinakaharap ng ibang mga bansa tulad ng terorismo.
Patuloy rin na umaasa si Pangulong Aquino para sa pagpapatuloy ng mga repormang sinimulan ng kaniyang administrasyon.
Ang tradisyunal na vin d honneur ay isinasagawa dalawang beses sa isang taon na pinangungunahan ng pangulo ng bansa.
Ito ang pagkakataon kung saan inihahayag ng pangulo ang kaniyang mensahe para sa foreign diplomatic community at ilang panukala o mga programa na ibig pa niyang magawa sa susunod na mga panahon.
(Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: vin d'honneur