Lalaki sugatan matapos bumangga ang minamanehong kotse sa center island sa Quezon City

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1733

REYNANTE_WASAK
Wasak ang harapan ng kotse at natanggal pa ang windshield nito matapos bumangga sa center island sa Commonwealth Avenue sa Quezon City pasado ala una ng madaling araw.

Sugatan ang driver ng kotse na si Manuel Abarcar, 52 anyos na tubong Bulacan.

Ayon sa unang rumisponde sa lugar natagpuan na lang nila ang biktima na nakaupo na sa kalsada na iniinda ang tinamo nitong sugat sa kanyang ulo.

Rumisponde naman ang Barangay Commonwealth Rescue para lapatan ang pangunang lunas ang sugat nito ngunit tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Kwento ng biktima galing siya sa isang kasiyahan ng kanyang kaibigan sa payatas at nang habang binabaybay ang Commonwealth Avenue ay may iniwisan umano siya na sasakyan kaya nabangga ang minamanehong kotse sa center island.

Ngunit ayon naman sa area intel ng barangay officials ng Commonwealth, may nakagitgitan umano na truck ang kotse at bumangga ito sa likuran ng truck.

Nang tangkaing umiwas ng kotse ay natumbok nito ang gutter sa center island.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,