Higher occupancy vehicle lane planong ilagay ng HPG at MMDA sa EDSA

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1314

BUS-LANE
Nais isulong ng EDSA Traffic Technical Working Group ang plano ng MMDA at PNP-HPG na car pooling

Ang car pool ay pagsi-share ng sasakyan sa ibang tao papunta at pabalik sa kanilang trabaho

Sa pamamagitan nito mapapagaan ang mabigat na traffic dahil mababawasan ang mga sasakyan sa EDSA

Plano ng MMDA at HPG na maglagay ng tinatawag na higher occupancy vehicle lane para sa mga sasakyan na maraming sakay na pasahero

Kung maaprubahan ang higher occupancy vehicle lane, pahihintulutan ang mga pribadong sasakyan na makadaan sa bus lane at maging sa private lane basta’t may sakay itong maraming tao

Isinasa pinal pa ng HPG at MMDA kung paano ang gagawin upang malaman kung marami ang pasahero ng isang sasakyan

Simula sa lunes ay uumpisahan na ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan sa loob ng bus lane mula EDSA Shaw hanggang Guadalupe lamang.

Lahat ng mahuhuling pribadong sasakyan sa loob ng yellow lane ay pagmumultahin ng 500 piso.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: