Alas sais pa lang ng umaga halos umapaw na ang covered court ng Barangay Laram sa San Pedro Laguna dahil sa dami ng mga residenteng nagtungo para sa libreng medical mission ng UNTV katuwang ang Members Church of God International.
Si Lola Carmelita kahit masakit ang kaniyang ulo pinilit na maisama ang kaniyang tatlong apo na may ubo at sipon upang magpakonsulta rin sa doktor at makahingi ng libreng gamot.
Isa lamang sila Lola Carmelita sa mahigit isang libo at dalawang daang residente sa Barangay Laram na nahatiran ng mga libreng serbisyong medical.
Kabilang na rito ang dental optical, ecg, urinalysis, physical therapy at check-up.
Mayroon ding kasamang libreng gupit at free consultation sa mga abogado.
Hindi akalain ng punong barangay sa lugar na mabilis na maaaprubahan ang kanilang request sa himpilan ng UNTV para sa isang medical mission.
Umaasa ang mga taga Barangay Laram na hindi ito ang huling medical mission na isasagawa sa kanilng lugar ng UNTV at MCGI dahil sa dami ng mga kababayan nilang nangangailangan.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit isang libong residente, medical mission, San Pedro Laguna, UNTV at MCGI