2+2 Ministerial meeting ng Pilipinas at America, isinagawa sa Washington D.C

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 3908

MINISTRIAL-MEETING
Isang 2+2 Ministerial Meeting sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang isinagawa ngayon araw sa Washington D.C kung saan, nagpahayag ng katuwaan ang America sa pagkakadeklara ng Korte Suprema na naayon sa batas ang Enhanced Defence Cooperation Agreement o EDCA na nilagdaan ng dalawang bansa.

Dinaluhan ang katatapos lamang na ministerial meeting nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin at ng counterpart ng mga ito sa America na sina Secretary of State John Kerry at Defense Secretary Ash Carter.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni US. Secretary of State John Kerry na isang mahalagang desisyon ang ginawa ng Korte Suprema at umaasa ang mga ito na agad na mai-implement ang kasunduan upang mas mapalakas ang interoperability ng sandatahang lakas ng dalawang bansa.

We welcome the Philippine Supreme Court’s decision that the Enhanced Defense Cooperation Agreement is consistent with the Philippine constitutions, a very important decision, and we look forward to implementing this accord which will increase the interoperability of our armed forces and contribute to modernization and prove our joint capacity to respond to humanitarian emergencies,” Pahayag ni US State Secretary John Kerry

Malaki umano ang maitutulong ng EDCA sa dalawang bansa upang mapalakas ang Regional teritorrial defense, maritime security at freedom of navigation lalo na at patuloy na lumalala ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea

Ang EDCA ay nilagdaan dalawang araw bago ang pagbisita ni US President Barack Obama sa Pilipinas noong 2014

Nakapaloob dito na maaring makapagtayo ang u.s troops ng mga pasilidad para sa mga kagamitan nito para sa maritime security at humanitarian and disaster response operations

Ang katatapos na ministerial meeting ay pangalawa nang high level defense meeting ng magkaalyadong bansa mula pa noong 2012.

Bukod sa EDCA ay napagusapan din ang economic, development cooperation, defense, science and technology at maritime security ng dalawang bansa.

(James Bontuyan/UNTV News)

Tags: , , , ,