AFP, hinikayat ang mga pulitikong kinikikilan ng rebeldeng npa na magsumbong sa Comelec

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 4600

PERMIT-TO-CAMPAIGN
Pangingikil kung ituring ng Armed Forces of the Philippines ang nakakarating na ulat na “permit to campaign” at “permit to win” na ginagawa ng NPA sa mga kandidatong mangangampanya sa mga probinsyang may impluwensya ng mga rebeldeng grupo.

Ayon sa AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, anumang salaping ibigay sa NPA ay gagamitin lamang sa paghahasik pa ng mga kaguluhan.

Kaya naman umapela ang AFP sa mga kandidato sa 2016 elections na huwag maging kasangkapan sa extortion activities ng NPA.

Dagdag pa nito, walang karapatan ang NPA na mag-issue ng permit to campaign.

Ayon kay Detoyato, malinaw itong extortion o pangingikil.

Kaya naman, hinikayat ng AFP ang mga kandidatong mabibiktima ng extortion ng npa na magsumbong sa pinakamalapit na opisina ng Comelec, pulisya at militar para sakarampatang aksyon.

Bagaman wala pang natatanggap na reklamo ang AFP, may mgabalitangkumakalat na umaabot sa kalahating milyong piso ang hinihingi ng NPA sa mga kandidato at depende pa ito sa posisyong kanilang kinakandidatuhan.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , ,