TRO sa pagkansela ng Comelec sa kandidatura ni Sen. Grace Poe, pinagtibay ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 7023

THEODORE-TE
Pinagtibay ng Korte Suprema ang mga Temporary Restraining Order sa mga resolusyon ng Comelec na nagkakansela sa certificate of candidacy ni Sen. Grace Poe.

Labingdalawang mahistrado ang bumoto upang kumpirmahin ang dalawang TRO na ipinalabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong December 28, 2015.

Bilang epekto nito ay mananatiling valid ang COC ng senadora at mananatili itong kasama sa listahan ng mga kandidato sa pagka pangulo.

Iniutos din ng Korte Suprema na pagsamahin sa iisang kaso ang dalawang petisyon ni Sen. Grace Poe na kumukwestyon sa desisyon ng Comelec.

Hindi naman pinagbigyan ng Supreme Court ang hiling ng Comelec na gawing mas maaga ang pagdaraos ng oral arguments sa mga petisyon.

“The court, 12-3, voted to confirm the temporary restraining orders issued by the Chief Justice on 29 December 2015 in these two cases. The court also affirmed the setting of these two cases for oral argument on 19 January 2016 at 2:00 in the afternoon.” Pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te.

(Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: ,