Muling itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakaroon ng presensya ng ISIS sa bansa partikular na sa Mindanao.
Sa mga nakalipas na buwan, iba’t ibang video ang kumalat na nagpapakita ng mga armadong grupo sa Mindanao na may itim na bandila.
Sinasabi rin ng mga itong may link sila sa ISIS at nagpapahiwatig na magkakaroon umano ng ISIS Province sa Pilipinas sa hinaharap.
Ngunit ayon sa AFP ginagawa lamang ito ng mga armado at teroristang grupo bilang propaganda at upang makapag-recruit ng bagong miyembro.
Samantala, gumagawa na ng paraan ang afp upang maiwasan ang pagkalat ng naturang extremist ideology.
Tags: AFP, bansa, ISIS, Mga locale terror group