BSP, inaasahang maabot ng Pilipinas ang target na 2 to 4 percent inflation rate para sa taong 2016 at 2017

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 3015

BSP
Para taong 2015, umabot lamang sa 1.4 percent ang inflation rate ng bansa o ang kabuuang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Mababa ito sa target na pamahalaan na two to four percent.

Ayon sa NEDA dulot ito ng mas mababang presyo ng mga domestic retail products tulad ng langis, mais, at palay.

Nakaapekto rin dito ang pagbaba sa presyo ng mga pabahay at kuryente.

Para sa taong ito, nanatili parin ang target ng Bangko Sentro ng Pilipinas o BSP na 2 to four percent inflation rate.

Ayon sa BSP, ilan sa inaasahang makaapekto sa inflation ng bansa ay ang election spending, at ang pagbaba ng halaga ng piso na dulot na rin ng pagaadjust ng policy interest rates ng estados unidos.

Nakikita rin ng BSP na ang patuloy na pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng China ay makaapekto hindi lamang sa inflation kundi maging sa kabuuang ekonomiya ng Pilipinas.

Mula sa mahigit 10 percent na gdp maaring bumabaito sa 6 percent ng pangalawa sa pinakamalagong ekonomiyang bansa sa buong mundo.

Paliwanag sa bsp, isa ang china sa mga pinaka importanteng trading partners ng Pilipinas.

14 percent ng exports ng bansa ay napupunta sa China at 11 percent naman ng imports natin ay nanggaling sa kanila.

Ngunit paliwanag ng bsp, dahil sa magandang macro economic fundamentals ng pilipinas, maaring hindi maging malaki ang epekto ng mga nabanggit sa inflation rate at maging sa kabuuang ekonomiya ng bansa.

Nauna nang sinabi ng NEDA na kailangan maipagpatuloy ng susunod na administration ang magandang ekonomic fundamentals ng Pilipinas para magpatuloy ang economic growth nito.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,