Election gun ban, kinuwestyon sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 2369

gun-owners-in-action
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga opisyal ng grupong gun owners in action upang kwestyonin ang election gun ban na ipinatutupad ng Comelec.

Katwiran nila, labag ito sa equal protection clause sa ilalim ng saligang-batas dahil binigyan ng exemption ang mga opisyal ng gobyerno samantalang inaalisan ng karapatang magdala ng baril ang mga pribadong indibidwal.

Bukod sa mga pulis at sundalo na talagang otorisadong magdala ng baril.

Binibigyan din ng exemption ang mga huwes at mahistrado, mga prosecutor, mga myembro ng gabinete, mga senador at congressman, at iba pang opisyal ng gobyerno kahit na hindi naman kasali ang mga ito sa law enforcement at security operations.

Hindi rin anila kasama ang election gun ban sa mga dahilan upang suspendihin ang kanilang karapatang magdala ng armas sa ilalim ng Republic Act 10-591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Hinihiling nila na atasan ng Supreme Court ang Comelec na bigyan ng exemption sa gun ban ang mga pribadong indibidwal na may permit to carry firearm

Dumulog sila sa Korte Suprema matapos tanggihan ng comelec ang hiling na bigyan sila ng exemption sa gun ban.

Sagot ng Comelec, kumuha na lamang sila ng security detail.

Hinihiling din ng mga petitioner na maglabas ang korte ng status quo ante order upang mapigilan ang pagpapatupad sa election gun ban habang nireresolba ang kanilang petisyon.

Sinimulan kahapon ang pagpapatupad sa gun ban at mananatili ito hanggang sa June 8.

(Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: , ,