Nakikiusap si Sen Manuel Lito Lapid sa Sandiganbayan 1st division na i-dimiss na ang kanyang kasong graft at paglabag sa government procurement law.
Kaugnay ito ng umanoy pagbili ni Lapid ng fertilizers na nagkalahalaga ng 728 million pesos para sa probinsya ng Pampanga noong Governor pa siya noong 2004.
Ang pagbili ng mga fertilizer na ito ay hindi siya isinailalim sa public bidding at over priced din ng malaking halaga.
Sa inihaing mosyon sa korte, sinabi ni Lapid na nalabag ang kanyang karapatan sa due process dahil hindi siya nabigyan ng kopya ng mga dokumento upang masagot niya ang alegasyong laban sa kanya.
Na-delay din aniya at tumagal ng halos walong taon ang imbestigasyon ng Ombudsman at ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan na ayon kay Lapid paglabag din sa kanyang karapatan sa mabilis na pagtatapos ng kaso o speedy disposition of the case.
Giit din ni Lapid, wala pa aniyang probable cause ang kaso at hindi napatunayan sa imbestigasyon ng Ombudsman na nilabag nito ang batas sa pagbili ng mga nasabing fetilizer.
Dahil dito, hinihiling din ni Lapid na isuspinde muna ng 1st division ang paglilitis at magsagawa ng judicial determination of probable cause ang korte.
Sa Huwebes, nakatakdang dinggin ng Sandiganbayan 1st division ang mosyon na ito ni Lapid.
(Joyce Balancio / UNTV News Correspondent)
Tags: government procurement law, graft, Sandiganbayan, Sen.Lito Lapid