Zamboanga CCDRRMO, magpupulong ngayong araw kaugnay sa epekto ng El Niño sa siyudad

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 3366

el-nino
Tatalakayin sa isasagawang pagpupulong mamayang hapon ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga hakbang na gagawin ng lokal na pamahalaan sa inaasahang paglala pa ng umiiral na el nino phenomenon.

Inaasahang kabilang sa mga dadalo rito ang ilang tauhan ng water district at iba pang concern agencies tulad ng Pagasa, Department of Agriculture at iba pa.

Isa sa mga apektado ng tagtuyot ay ang supply ng tubig sa lungsod

Magugunitang noong isang linggo ay nagsimula nang magpatupad ang city water district ng water rationing sa mga matataas na barangay sa syudad

Posibleng pag-usapan din ang panukalang pagsasagawa ng cloud seeding at paglalagay ng mga deep well bilang mitigating measures sa inaasahang paglala ng el niño sa mga susunod na buwan.

Ito ay upang makagawa na ng rekomendasyon hinggil sa mga dapat gawin at mga kakailanganin tulad ng pondong ilalaan para rito.

Bagamat una nang sinabi ni NDRRMC Executive Director USec. Alexander Pama na hindi direktang apektado ang Zamboanga City ng el niño, minabuti pa rin ng lokal na pamahalaan na maging handa.

(Dante Amento/UNTV News)

Tags: , ,