Bushfire sa Western Australia, napigilan na ngunit hindi pa rin lubusang kontrolado – DEFS

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 1193

BUSH-FIRE
Napigilan na ang paglaki ng bushfire na limang araw nang nananalasa sa Western Australia ngunit nilinaw ng Department of Fire Emergency Services na hindi pa rin ito lubusang kontrolado.

Mula sa emergency warning, ibinaba na ng DEFS sa watch and act ang alert level sa Preston Beach, Lake Clifton, Harvey, Cookernup at Waroona Town Site.

Pinayagan na ring makauwi ang mga residente ng Waroona sa kani-kanilang tahanan

Bagamat ang mga residente sa Preston Beach ay pinayuhang huwag munang umuwi dahil sa mga debris na nakakalat sa kalsada.

Sa kasalukuyan, dalawa na ang naiulat na nasawi dahil sa bushfire

May apat ding bumbero ang nasugatan habang inaapula ang apoy

Umabot naman sa mahigit pitumput dalawang libong ektarya ang tinupok ng Bushfire.

Samantala, idineklara na ni Western Australia Primier Colin Barnett na natural disaster ang Waroona Fires noong sabado umaga.

Ayon kay Barnett ilang kumunidad ang nasira ng bushfire at idineklara niya ang activation ng natural disaster support na magrelease ng emergency funds para sa mga lokal na pamahalaan upang maasistehan ang mga apektadong residente

Una nang nagbigay ng isang milyong dolyar na distress relief fund ang state government upang tulungan ang mga pamilya na makapagsimula ulit.

(Robert dela Peña/UNTV News)

Tags: , , , , , ,