Approval at trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III, nananatiling pinakamataas sa mga opisyal ng pamahalaan – Pulse Asia

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1760

PULSE-ASIA
Malaking bilang pa rin ng mga pilipino ang nagsasabing kuntento sa performance ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa 4th quarter survey ng Pulse Asia.

Sa 1,800 respondents, nakakuha ng 55 percent approval rating ang pangulo, sunod si Vice President Jejomar Binay na may 52 percent, 51 si Senate President Franklin Drilon, 29 percent sina House Speaker Feliciano Belmonte at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Aereno.

Tumaas lamang ng isang porsyento ang rating ng pangulo, at mataas naman ang iniangat ni VP Binay mula 43 percent noong Setyembre.

Bahagya rin ang naging pagtaas sa approval ratings nina Senate President Drilon at House Speaker Belmonte.

Samantala wala namang naging pagbabago sa rating ni CJ Sereno.

Sa 2015 4th quarter survey din ng Pulse Asia.

Si Pangulong Aquino rin ang mas pinagkakatiwalaan sa mga opisyal ng pamahalaan.

Kung saan nakakuha ang pangulo ng 53 percent trust rating, vp binay na may 49, 47 si senator drilon, house speaker belmonte na may 24 percent at cj sereno na may 25 percent.

Ayon sa Malakanyang, patunay lamang ito ng patuloy ang tiwala ng taumbayan sa polisiya ng administrasyong Aquino.

Sa mga institusyon naman ng pamahalaan, mataas ang approval rating ng Senado na may 47 percent, pangalawa ang Supreme Court na may 45 percent at pangatlo ang House of Representatives.

Isinagawa ang survey noong December 4 hanggang 11

Sa panahong ito nagfile ng certificate of candidacies ang mga tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na eleksyon.

Ang inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman na dismissal sa serbisyo dahil sa grave misconduct at dishonesty ni Makati Mayor Junjun Binay dahil sa alegasyon na overpricing ng Makati City Hall Building 2.

Ang hosting ng Pilipinas ng APEC.

At paggunita sa ikaanim na anibersaryo ng Maguindanao Massacre.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,