14 patay sa pagtama ng missile sa eskwelahan at ospital sa isang bayan sa Syria

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 1402
Azaz, Syria(REUTERS)

Azaz, Syria(REUTERS)

Labing apat na sibilyan ang namatay ng tamaan ng missile ang eskuwelahan at ospital ng mga bata sa Azaz, Syria malapit sa border ng Turkey.

Ayon sa isang medic at dalawang residente sa lugar, tinatayang nasa limang missiles ang tumama sa ospital na nasa sentro ng Azaz at kalapit na eskuwelahan.

Sa lugar na ito tumutuloy ang mga refugees na tumatakas sa opensiba na isinasagawa ng Syrian army.

Ayon sa pahayag ni Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu, Russsian ballistic missile ang tumama sa ospital at eskwelahan.

Tags: , , , ,