14 na indibiduwal, ipinaaresto ng Senado dahil sa hindi pagsipot sa Makati probe

by dennis | May 18, 2015 (Monday) | 2734
Sen. Koko Pimentel at Sen. Teofisto Guingona III (photo credit: Meryll Lopez)
Sen. Koko Pimentel at Sen. Teofisto Guingona III (photo credit: Meryll Lopez)

Naglabas na ang Senate Blue Ribbon committee ng arrest order laban sa 14 na indibidwal na umano’y mga dummy ni Vice president Jejomar Binay.

Kasama sa listahan si Gerardo Limlingan, Vissia Marie Aldon, Danilo Villas, Aida Alcantara,Hirene Lopez,Irene S.Chong, Imee S.Chong, Kim Tun S.Chong, Irish S.Chong, Erlinda S.Chong, Kimsfer S.Chong, Anne Lorraine Buencamino-Tiu, James Tiu at Antonio Tiu.

Ayon kay Senate Blue Ribbon subcommittee chairman Sen. Koko Pimentel, sa lalong madaling panahon ay pwede ng hulihin ang mga nabanggit na pangalan kung saan idi-ditene ang mga ito sa Senado hanggang sa susunod na hearing sa May 28.

Kung hindi na sila ma-accomodate sa Senado ay hihingi sila ng tulong sa Pasay City Jail para sa paglulugaran ng mga ito.

Samantala, tinanggal sa listahan sina Engr.Mario Badillo at Tomas Lopez dahil nangako ang mga ito na darating sa may 28 hearing.

Sina Eduviges “Ebeng” Baloloy, Engr. Line Dela Peña at Bernadette Portillano ay ang mga unang napatawan ng arrest order.

Ang contempt charges ng mga nabanggit ay bunsod ng patuloy na hindi pagsipot sa isinasagawang pagdinig sa Makati Parking building sa Senado. (Meryll Lopez/UNTV Radio)

Tags: , ,