14 arestado sa drug raid sa Intramuros, Manila

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 3176

raid-2
Niraid ng pulis ang compound ng informal settlers sa Intramuros, Maynila kung saan talamak umano ang bentahan ng droga.

Arestado ang labingapat na tao kabilang ang target ng operatiba na si alyas Neneng na sya umanong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa lugar.

Ayon kay Police Superentendent Albert Barot, nagsisilbing puntahan ng mga nagpa-pot session ang compound.

Nabababhala ang mga otoridad dahil napapalibutan ito ng mga unibersidad na maaaring maimpluwensyahan ang mga estudyante.

Nasa sampung libong piso naman ang halaga ng dalawampung pirasong sachet ng shabu ang nakuhang ibedensya.

Ang pinaigting na kampanyang ito kontra droga ay suporta ng hanay ng mga pulis sa susunod na administrasyon na kilalang galit sa droga.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,