14.2% o 3.95 na Pamilyang Pilipino nakararanas ng gutom sa bansa – SWS

by Radyo La Verdad | May 2, 2024 (Thursday) | 364

METRO MANILA – Bahagyang tumaas ang hunger rate sa Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024 kumpara noong ika-apat na quarter ng 2023.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), 14.2% o katumbas ng 3.95 million ng pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa bansa.

Ibig sabihin, maaaring walang pambili o kaya ay may pambili ngunit walang mapagbilhan ng pagkain.

Mas mataas ito ng halos 2% noong 2023 na nasa 12.6%.

Sa inilabas na datos ng SWS, 12.2% naman ang nakararanas ng moderate hunger.

Bahagyang mas mataas ito ng halos 1% kumpara noong 2023 na nasa 11.2% lamang.

Habang 2% naman ang nakararanas ng severe hunger.

Ito ay mas mataas ng 0.6% kumpara noong ika-apat na quarter ng 2023 na nasa 1.4%.

Isinagawa ang survey mula March 21 hanggang 25 ng taong kasalukuyan.